
Tiniyak ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na palalawakin pa nito ang mga benepisyong matatanggap ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ang naturang pahayag ay kasunod na rin ng pakikipagpulong ni OWWA Administrator PY Caunan sa mga Board of Directors ng Philippine Business Council sa Dubai.
Ayon kay Caunan, tinalakay sa pagpupulong kung paano mas mapapalawak ang mga benepisyo ng OWWA eCard—kabilang na ang pagbibigay ng mga diskwento at ibang exclusive offers para sa mga aktibong miyembro ng ahensya.
Layunin din ng pagpupulong na mas palakasin ang ugnayan sa hanay ng mga negosyanteng Pilipino sa United Arab Emirates (UAE) upang mas mapalawak pa ang serbisyo at suporta para sa ating mga kababayang Pinoy workers.
Facebook Comments









