Ininspeksyon ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaang lungsod ng Alaminos ang mga itinalagang bentahan ng paputok bilang bahagi ng pagpapatupad ng Oplan Iwas Paputok ngayong pasko at bagong taon.
Isinagawa ang joint inspection sa mga tindahan sa Old Bypass Road upang matiyak na ang mga paputok na ibinebenta ay ligtas, de-kalidad, at sumusunod sa itinakdang pamantayan at regulasyon.
Binigyang-pansin sa inspeksyon ang tamang pag-iimbak ng paputok, malinaw na babala sa mga mamimili, at pagsunod sa safety measures upang maiwasan ang aksidente at sunog.
Patuloy namang pinaaalalahanan ang publiko na maging maingat at responsable sa paggamit ng paputok upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ngayong holiday season.
Facebook Comments









