Mga beterano, binigyang pugay ng Defense department ngayong Araw ng Kagitingan

Nakikiisa ang Department of National Defense (DND) sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan ngayong araw.

Ayon kay Defense Spokesperson Dir. Arsenio Andolong, tuwing ika-9 ng Abril bawat taon, nagbibigay-pugay ang buong bansa sa mga beterano na lumaban at nag-alay ng kanilang lakas, tapang, at maging buhay upang ipagtanggol ang ating kalayaan.

Sinabi pa ni Andolong, maraming taon din na pinagsikapan na matanggap nila ang pagkilala at parangal na nararapat para sa kanilang naging bahagi sa kasaysayan, lalo na noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.


Ngayon taon ayon kay Andolong, mayroong iba’t ibang aktibidad ang Philippine Veterans Affairs Office at kanilang Technical Working Committee para mas igalang at bigyang pugay ng mga Pilipino ang mga bayani at mga beterano.

Giit ni Andolong, dapat hindi naalis sa mga Pilipino ang pagmamahal sa bayan.

Facebook Comments