Binigyang pagkilala ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang mga beteranong Pilipino na nakipaglaban para sa kalayaan, kasarinlan at kapayapaan ng bansa.
Sa mensahe ng kalihim sa pagdiriwang ng ika-82 Araw ng Kagitingan, sinabi ni Teodoro na marapat lang gunitain ang katapangan, serbisyo, at sakripisyo ng ating mga beterano na akma sa tema ngayong taon na “Pagpaparangal sa Kagitingan ng mga Beterano: Saligan ng Nagkakaisang Pilipino.”
Ani Teodoro, umaasa siyang magsisilbing inspirasyon ang kagitingan ng mga beterano sa pagkakaisa ng sambayanan at sa pagtugon sa mga hamon ng panahon, tungo sa mapayapa, matatag, at maunlad na Bagong Pilipinas.
Facebook Comments