Mga beterinaryo, pinatutulong na rin sa programang pagbabakuna ng pamahalaan

Posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga nagbabakuna sa bansa kontra COVID-19.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje, ikinokonsidera na ring gawing vaccinators ang mga beterinaryo.

Dahil dito, nakikipag-ugnayan na ang DOH sa Professional Regulatory Commission (PRC) para malaman kung paano ito maisasama sa programang pagbabakuna ng pamahalaan.


Sa ngayon, hinihintay pa ng DOH ang tugon dito ng hanay ng mga beterinaryo.

Una nang pinayagan ng PRC na tumulong sa bakunahan ang mga dentista sa bansa.

Facebook Comments