Hinikayat ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga consumers o ang mga bibili ng handa para sa media noche na maging mapanuri sa presyo.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Atty. Amanda Nograles, Assistant Secretary ng Consumer Protection Group ng DTI na dapat ay matutong mag kumpara ng mga presyo bago bumili dahil marami aniyang ino-offer na discount at promos at giveaways lalo na sa mga malalaking grocery stores.
Mahalaga rin ayon kay Nograles na laging i-check ang expiration date ng mga items at higit sa lahat tiyaking ang presyo ay naayon sa price guide.
Samantala sa mga bibili naman ng paputok at pailaw, sinabi ni Nograles na mahalagang bumili lamang sa mga seller na mayroong PNP license or permit, tiyaking may lehitimong philippine standard o PS Mark sticker ang bibilhin upang matiyak na ligtas gamitin ang mga fireworks at firecrackers.