Mga bibiyahe papuntang Baguio City at Benguet, kailangan nang magprisinta ng medical clearance at medical certificate

Kailangan nang magprisinta ng medical clearance at medical certificate ang mga bibiyahe papuntang Baguio City at ilang mga lugar sa Benguet simula sa Pebrero 1.

Ito ay matapos makapagtala ng UK variant ng COVID-19 sa Mountain Province at La Trinidad, Benguet.

Ayon sa ulat, nagkasundo ang mga alkalde ng Baguio, La Trinidad, Itogon, Sablan, Tuba at Tublay na ipatupad ang naturang requirement sa mga papasok o dadaan sa kanilang mga lugar.


Ang medical clearance ay nagkakahalaga ng P200 hanggang P300.

Tatagal ang border control policy hanggang Pebrero 15 sa mga natukoy na lugar.

Matatandaang una nang pinaplano na ibalik sa General Community Quarantine (GCQ) ang rehiyon ng Cordillera simula Pebrero 1, mula sa kasalukuyang modified GCQ status kung saan hinihintay na lamang ang desisyon ng Inter-Agency Task Force kaugnay rito.

Facebook Comments