Mga big boss sa likod ng flood control projects, pinatutukoy at hiniling na mapanagot sa batas

Pinatutukoy ni Senator Risa Hontiveros ang mga big boss na nag-oorganisa o nasa likod ng mga kontrobersyal na flood control projects.

Giit ni Hontiveros, mas makabubuting multiple agencies ang magtulungan na bumusisi, mangalap ng ebidensya at maghalukay ng paper at money trails sa flood control projects tulad ng Commission on Audit, Office of the Ombudsman at Department of Justice.

Mahalaga aniya na may mahuli at makasuhan na mga opisyal, at may ma-blacklist na contractor.

Ang sinuman aniyang haharang o ayaw tumulong sa imbestigasyon ay isama na rin sa kakasuhan.

Nangako rin si Hontiveros na titiyakin nila na hindi na makakalusot sa 2026 national budget ang mga kalokohan pagdating sa pagsisingit ng pondo para sa flood control projects.

Ikinalugod din ng mambabatas ang dumaraming bilang ng mga alkalde at lokal na opisyal na nagsasalita laban sa maanomalyang mga flood control projects.

Facebook Comments