Mga “big fish” na dawit sa flood control scam, pipilahan ng kaso ni PBBM kahit pa kaalyado sa pulitika

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi maliliit na tauhan kundi ang mga “big fish” o maimpluwensyang personalidad ang hahabulin sa maanomalyang flood control projects ng gobyerno.

Ayon kay Pangulong Marcos, dapat papanagutin ang mga nasa likod mismo ng katiwalian dahil sila ang tunay na nagpapatakbo at nagpapalakas sa bulok na sistema at lumala ito dahil matagal itong pinabayaan.

Kapag ang mga ito aniya ay natanggal at napapanagot, inaasahang agad na mararamdaman ang pagbabago sa pamahalaan.

Giit ng pangulo, walang ligtas sa isinasagawang kampanya laban sa katiwalian, kahit pa may mga koneksyon o dati pang sumuporta sa kanya ang mga sangkot.

Tapos na aniya ang panahon ng pagbubulag-bulagan at pagbibingi-bingihan at hindi na puwedeng itanggi ng mga opisyal na wala silang alam sa anomalya.

Facebook Comments