Mga big-time oil price rollback, malaki ang maitutulong sa pagbagal ng inflation rate sa Disyembre ayon sa PSA

57

Kumpiyansa ang Philippine Statistics Authority (PSA) na posibleng maramdaman sa susunod na pagtaya ng PSA ang epekto ng mga bigtime rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Dennis Mapa, national statistician ng PSA, makakatulong sa pagbagal ng presyo ng bilihin at serbisyo ang serye ng oil price rollback.

Una nang tinukoy ng PSA na isa sa dalawang dahilan ng pagbagal ng implasyon noong Nobyembre ay ang presyo ng petrolyo.


Kabilang aniya ito sa kategorya ng housing, water, electricity, gas at ibang fuel.

Posibleng rin aniyang maramdaman ito ng gumagamit ng liquified petroleum gas.

Facebook Comments