Mga big winner sa 64th Grammy Awards, kilalanin!

Trending worldwide ngayon ang 64th Grammy Awards night matapos itong masuspinde noong January 31 dahil sa banta ng COVID-19 Omicron variant.

Ilan sa mga big winners sa tanyag na award-giving body ay si Olivia Rodrigo na nag-uwi ng best new artist, best pop vocal album at best pop solo performance para sa kaniyang world-wide hit na Drivers License.

Nakuha naman ng American R&B superduo na Silk Sonic ang prestihiyosong song of the year at record of the year para sa kantang ‘Leave the Door Open’ kung saan tampok ang American singer na si Bruno Mars.


Bigo namang makuha ni Taylor Swift ang inaasam na ika-apat na album of the year award matapos makuha ito ni 11-Grammy award nominee Jon Batiste para sa kaniyang album na ‘We Are’.

Tila bittersweet moment naman para sa rock band na Foo Fighters ang nakuhang tatlong Grammy Awards kasunod ng pagkamatay ng kanilang drummer na si Taylor Hawkins noong March 25.

Bagamat hindi nasungkit ng KPOP superband na BTS ang best pop duo/group performance ay naging usap-usapan ang kanilang performance kung saan sinayaw nila ang hit-single na butter.

Hindi naman nakalagpas sa mga netizens ang naging interaction ng singer na si Olivia Rodrigo at BTS member na si Taehyung sa awards night kung saan nahuli sa camera na nagbubulungan ang dalawa.

Facebook Comments