Mga bihag ng Maute Group, pinapagamit na ng armas para labanan ang militar

Manila, Philippines – Kinumpirma ng joint task force Marawi na ginagamit na ng Maute Group ang kanilang mga bihag para labanan ang militar.

Sa kabila nito, ayon kay task force Marawi Spokesperson, Lt/Col. Jo-Ar Herrera – humihina na ang pwersa ng kalaban.

Paliwanag ni Herrera – dahil sa nauubos na ang mga miyembro ng Maute ay napag-uutusan na rin nila ang kanilang mga bihag.


Sinabi naman ni Brig/Gen. Ramito Rey, commander ng task force Lanao – mahirap pa ring magsagawa ng clearing operations dahil sa mga Improvised Explosive Device at RPG ng kalaban.

Samantala, naniniwala rin ang militar na hindi pa nakakatakas sa Marawi ang Abu Sayaff lider na si Isnilon Hapilon.

Facebook Comments