Muling nagsagawa ng blood sample collection ang Municipal Agriculture Office ng Bayambang at beterinaryo mula sa Provincial Veterinary Office sa mga alagang biik mula sa 2nd batch ng ASF Sentinel Program.
Ang mga biik ay mula sa Reynado, Pangdel at Hermoza.
Layunin nito na mailipat na sa Light Green (Protected Zone) ang bayan mula sa Yellow ASF zoning status.
Ang Light Green Zone ay nangangahulugan lamang na may zero case na ang bayan at low-risk na ring maituturing subalit may posibilidad pa rin na mahawa ang mga alagang biik sa mga kalapit na lugar na may yellow zone status.
Tinungo din ng MAO ang mga barangay na nasa boundary ng bayan upang magsagawa ng information dissemination upang maiwasan ang pagkalat ng asf matapos makapagtala muli ng kaso ang ilang karatig bayan. | ifmnews
Facebook Comments