Mga bike rider na hindi magsusuot ng helmet, pagmumultahin na sa Quezon City

Pagmumultahin na sa Quezon City ang mga bike rider na hindi magsusuot ng helmet habang dumadaan mga kalsada sa lungsod.

Ito ay matapos lagdaan na ni Mayor Joy Belmonte ang Ordinance No. SP-2942 na isinulong nina Councilor Maria Diorella Sotto, Kaye Galang-Coseteng at Candy Medina.

Ayon kay Belmonte, ngayong bahagi na ng new normal ang pagbibisikleta, nais nilang gawing mas ligtas ang aktibidad na ito.


Makatutulong aniya ang pagsusuot ng helmet upang maging maayos ang pag-biyahe at para ligtas na makarating sa mga pupuntahan.

Sa ilalim ng ordinansa, itinakda ang multa sa ₱1,000, ₱3,000 and ₱5,000 para sa first, second at third offense.

Itinalaga naman ang Department of Public Order and Safety bilang lead agency na magpapatupad sa ordinansa.

Facebook Comments