Friday, January 23, 2026

MGA BIKTIMA NG AKSIDENTE SA LUNA, ISABELA, INABUTAN NG TULONG NG DSWD

Cauayan City – Agad na tumugon ang “Angels in Red Vests” ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 sa vehicular accident na naganap sa Barangay Mambabanga, Luna, Isabela noong, ika-21 ng upang maghatid ng agarang tulong sa mga apektadong indibidwal.

Nagsagawa ng hospital visit ang mga social worker sa Ester Garcia Hospital kung saan dinala ang mga biktima ng aksidente. Kabilang sa mga nasugatan ang isang taong gulang na bata, habang tatlo naman ang nasawi.

Kaagad ding nakipag-ugnayan ang DSWD FO2 sa Municipal Social Welfare and Development Offices ng Cabatuan at Luna para sa mabilis na pagproseso ng burial assistance para sa mga pumanaw.

Patuloy naman ang isinasagawang monitoring at assessment ng mga social worker upang matukoy ang kalagayan ng mga biktima at masuri ang iba pang uri ng tulong na maaaring ipagkaloob ng ahensya sa mga apektadong pamilya.

Facebook Comments