Mga biktima ng Bagyong Auring sa Tandag City, Surigao del Sur tumanggap ng tulong mula kay Senator Bong Go

 

Hinatiran ng tulong ni ng tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go ang 195 na pawang nabiktima ng Typhoon Auring sa Tandag City, Surigao del Sur.

Tumanggap ng meals, food packs, medicine, masks, at face shields ang mga benepisyaryo na pawang nabiktima ng matinding pagbaha noong kasagsagan ng malakas na pag-ulan dulot ng bagyo.

Ang mga benepisyaryo ay pawang bahagi ng small and medium-scale enterprises sector sa lungsod base sa validation na isinagawa ng Department of Trade and Industry.


Isinagawa ang aktibidad ng pamamahagi ng tulong sa Shacene Pension House kung saan tiniyak na nasusunod ang health and safety protocols.

Magugunitang noong February 23, binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Tandag City kasama si Go makaraang tumama ang Bagyong Auring

“Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Alam kong mahirap ang pinagdadaanan ninyo ngayon dahil bukod sa naapektuhan kayo dahil sa bagyo, may pandemya pa tayong kinakaharap. Ngunit magtulungan lang tayo dahil alam kong malalampasan din natin ito,” pahayag ni Go sa pamamagitan ng video call.

May mga tumanggap din ng bagong sapatos at bisikleta na kanilang magagamit sa pagbiyahe.

Habang may mga pinagkalooban din ng computer tablet na magagamit naman ng kanilang mga anak sa blended learning.

Bilang chairman ng Senate Committee on Health, pinaalalahanan ng senador ang mga residente na maging maingat laban sa COVID-19 at palakasin ang kanilang resistensya.

Tiniyak din ng senador na tuluy-tuloy na ang vaccine rollout sa bansa at kasama sa prayoridad ang mahihirap at vulnerable sectors matapos mabakunahan ang mga healthcare worker.

Sa mga nangangailangan naman ng medical attention, hinimok ni GO ang mga ito na lumapit sa Malasakit Centers na nasa Butuan Medical Center sa Butuan City at sa Caraga Regional Hospital sa Surigao City para sa medical assistance.

“Mayroon ng 102 na Malasakit Center sa buong Pilipinas at kung kailangan niyo na magpaopera sa Manila o sa Davao, ako na ang mamamasahe sa inyo. Handa kaming tumulong sa inyo, magsabi lang kayo,” ayon sa senador.

Sa nasabing aktibidad, ang mga kinatawan ng Department of Trade and Industry ay nagbigay din ng livelihood packages. Habang ang Department of Social Welfare and Development ay nagkaloob na ng emergency assistance noong February 23.

Noong Disyembre 2020, ang Surigao del Sur ay tinamaan din ng Tropical Depression Vicky at nakaranas din ng pagbaha, kung saan tatlo ang nasawi.

Buwan ng Enero nang agad maghatid ng tulong ang team ni Go sa mga nabiktima ng nasabing bagyo.

Muli naming iginiit ni Go ang panukala niyang bumuo ng Department of Disaster Resilience sa pamamagitan ng Senate Bill No. 205 na inihain niya noong 2019.

Layon ng panukala na magtayo ng dedicated department para masiguro ang mabilis na pagtugon, proactive risk management, at holistic approach sa mga kalamidad at natural disasters.

“Sa pagtatag ng departamentong ito, mas magiging mabilis ang pagtugon ng pamahalaan at mas maiibsan ang masamang epekto ng mga kalamidad. Sa tulong nito, mas mabilis ding makakabangon ang ating mga kababayan pagkatapos ng mga sakuna,” paliwanag ni Go.

Kapag nagging batas na ang DDR, ang mga essential functions ng lahat ng disaster-related agencies ay pag-iisahin na lang sa isang departamento.

###############

Facebook Comments