Manila, Philippines – Limandaang residente mula sa Albay at Camarines Sur sa Bicol Region na lubhang naapektuhan ng Bagyong Usman ang tumanggap ng tulong pinansiyal, mga relief goods at medisina mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Kabuuang tatlong milyong piso ang tulong pinansiyal na inilaan ng PAGCOR sa mga biktima ng kalamidad sa mga bayan ng Sagñay, Buhi at Baao sa Camarines Sur; at Tiwi, Legazpi at Libon sa Albay sa isinagawangn relief operations sa Bicol mula Enero 4 hanggang 6, ngayong taon.
Isa sa natulungan ng PAGCOR ay ang 35-anyos na ginang na si Charilyn Gonzales ng Baragay Patitinan, Camarines Sur na nawalan ng bahay at ng tatlong na sina Sherilyn, 13; John Ivan, 6; Sir Lord, 4, dahil sa landlides.
Bukod sa pagkaon at mga gamot, ang mga pamilya ng mga biktima na katulad ni Gonzales ay tumanggap ng P20,000 hanggang P80,000 na ayudang pinansiyal mula sa ahensiya.
Kaugnay nito, tinitiyak ni PAGCOR President at COO Alfredo Lim, na namuno sa Relief Operations, na patuloy ang pagtulong ng disaster Response Team ng ahensiya sa mga naging biktima ng kalamidad.
Samantala, nakapaghatid ng relief packs at mga food items ang PAGCOR sa 3,000 residente na naapektuhan ng bagyo sa mga komunidad sa Eastern Visayas partikular dito ang mga naninirahan sa Catarman at Lope de Vega sa Northern Samar.
Ilang araw na na-isolate ang mga nabanggit na bayan nang manalasa ang bagyong Usman na nagdala ng pagbaha, pagguho ng mga lupa at naging dahilan sa pagkaputol ng suplay ng tubig at elektrisidad.