MGA BIKTIMA NG BOGA SA PANGASINAN, NANGUNA SA MAY PINAKAMATAAS NG BILANG NG NAPUTUKAN NITONG BAGONG TAON

Nanguna sa listahan na may pinakamaraming bilang ng nabiktima ang improvised canon o boga sa lalawigan ng Pangasinan nitong pagsalubong sa Bagong Taon.

Bagamat naging kaliwa’t-kanan ang kampanya ng awtoridad ukol sa mahigpit na pagbabawal dito, ito pa rin ang may pinakamaraming naitalang naputukan.

Sa tala ng Provincial Health Office Pangasinan, nasa labingsiyam (19) na katao ang biktima na boga, sinundan ng kwitis na may labing pito (17), five star na may 12, bawang na may 6, whistle bomb at baby rocket na bumiktima rin ng tig lima.

Lumalabas din sa datos na kasama rin ang mga paputok na crying cow, unknown, pla pla, fountain, marshmallow, dragon, piccolo, saturn missile, dark bomb, one star, dynamite, flash bomb at triangle ang ikinapamahak din ng nasa dalawampung indibidwal.

Sa kabuuan, nasa walumpu’t-apat ang naitalang bilang ng mga naputukan nitong naganap na salubong sa bagong taon..

Bagamat mas mababa na ito kumpara sa bilang ng mga naputukan noong nakaraang taon ay hindi pa rin aalisin ang patuloy na pagbabawal sa mapaminsalang mga paputok.

Samantala, naitala ang pinakamaraming nabiktima mula sa Pangasinan Provincial Hospital na may 37 pasyente sinundan ng Western District Pangasinan Hospital na may 13 biktima. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments