MGA BIKTIMA NG FIREWORK-RELATED INJURIES SA ILOCOS REGION, UMAKYAT NA SA 56

Umakyat na sa 56 ang kabuuang bilang ng mga biktima ng firework-related injuries sa Ilocos Region mula Disyembre 21 hanggang Disyembre 29, 2025, ayon sa pinakahuling datos ng Department of Health.

Sa tala, siyam na bagong kaso ang naitala noong Disyembre 29, dahilan upang pumalo sa kasalukuyang bilang ang mga nasugatan dahil sa paputok.

Gayunman, mas mababa ito ng 5.1 porsiyento kumpara sa naitalang 59 kaso sa kaparehong petsa noong nakaraang taon.

Nangungunang sanhi ng mga pinsala ang paggamit ng mga walang label na paputok, kabilang ang Five Star at pla-pla.

Pinakaapektado sa mga insidente ang mga batang may edad 5 hanggang 9 at 10 hanggang 14 taong gulang na bumubuo sa 21 porsiyento ng mga kaso, habang kalalakihan naman ang may pinakamataas na bilang ng biktima na umaabot sa 82 porsiyento.

Ang mga datos ay nakalap mula sa mga Provincial DOH Offices, Provincial Health Offices, pampubliko at pribadong ospital, mga DOH hospitals, at sa pamamagitan ng Online National Electronic Injury Surveillance System (ONEISS).

Facebook Comments