Nakauwi na ang halos lahat ng biktima ng food poisoning sa 90th birthday celebration ni dating first lady Imelda Marcos.
Ayon kay Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Office Chief Bryant Wong – nasa pito na lamang ang nananatili sa Pasig City General Hospital.
Sabi naman ni Pasig City General Hospital Administrator Horacio Apuyan Jr. – karamihan sa mga ito ay senior citizen at galing pa sa mga malalayong lugar.
Sinusuri na ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga nakuhang food samples habang ang Research Institute for Tropical Medicine (RTIM) ang susuri sa body fluid samples ng mga pasyente.
Facebook Comments