Nailigtas ng mga awtoridad ang 15 biktima ng human trafficking sa Tawi-Tawi.
Ito ay matapos ang isinagawang rescue operation, verification, at profiling sa mga pasahero na sakay ng M/V Trisha Kerstin II at M/V Ever Queen of Pacific na naglayag mula Zamboanga City patungong Bongao, Tawi-Tawi.
Ayon kay Joint Task Force Tawi-Tawi Commander Brigadier General Romeo Racadio, nasagip ang limang lalaki at anim na babae kabilang ang tatlong sanggol.
Batay sa ulat, bibiyahe sana ang mga biktima patungong Sabah para magtrabaho sa isang poultry farm bagama’t walang sapat na dokumento para lumabas ng bansa.
Itinurn-over na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 9 ang mga biktima para sa counseling.
Kasunod nito, pinaalalahanan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command Commander Lieutenant General Roy Galido ang publiko na umiwas sa illegal recruitment at human trafficking schemes.