Mga biktima ng isang sindikato na nagpapakilalang kasambahay, umapila sa publiko

Nananawagan sa publiko ang mga biktima ng isang sindikato na nagpapakilalang mga kasambahay pero pagnanakaw pala ang puntirya.

Sa panayam sa mga biktima, partikular na tinuturo nila ang suspek na si Maricar Kian Watamama na nasa likod na ng mga serye ng pagnanakaw sa kaniyang mga naging amo sa Metro Manila.

Modus umano ni Watamama na maghanap ng mapupuntirya sa social media na naghahanap ng kasambahay.


Pumapasok din umano siya sa mga lehitimong ahensya gaya ng Ph Maid Agency na matatagpuan sa Malate Maynila para makakuha ng bibiktimahin.

Pinakahuli umanong nabiktima ng suspek na si Maricar Kian Watamama ay nangyari nuong June 5 sa Makati kung saan aabot sa 200,000 pesos na alahas ang natangay.

Nang madiskubre ang pangyayari, kaagad na naghain ng reklamo ang nabiktima ni Maricar Kian Watamama sa Makati Prosecutors Office.

Sa pagsisiyasat naman ng Philippine National Police (PNP), hindi nila natunton ang suspek sa mga nakalagay na address nito sa Ampatuan Maguindanao, Davao at Antinpolo.

Nabatid na iba-ibang pangalan din umano ang ginagamit ng miyembro ng sindikato sa kanilang binibiktimang mga may-ari ng bahay.

Umaapela naman ang PNP sa publiko na kaagad ipagbigay sa kanila ang anumang impormasyon laban sa suspek.

Facebook Comments