Mga biktima ng krimen sa Metro Manila, nagpunta sa NCRPO para personal na magpasalamat

Nagpunta sa tanggapan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga kamag-anak at biktima ng iba’t- ibang uri ng krimen sa Metro Manila.

Ito ay para personal na magpasalamat sa pulisya matapos mahuli ang suspek sa krimen.

Ayon kay PBGen. Jack Wanky, ang Deputy Regional Director for Operations ng NCRPO, kabilang sa mga naaresto sa isang linggong one time bigtime operation ay ang mga wanted person na sangkot sa iba’t-ibang krimen tulad ng iligal na droga.


Bukod dito, naaresto rin ang mga suspek sa panggagahasa, pagpatay, extortion at pananakit sa kapwa.

Kaugnay niyan, nakakumpiska din ang NCRPO ng ₱10 million ng halaga ng shabu at 30 lost fire arms.

Nakahuli rin sila ng higit sa 400 wanted person at 11 high value target drug personalities.

Facebook Comments