
Maaari nang lumipat sa mga modular shelter units sa kaunaunahang “Bayanihan Village” sa Cebu ang mga pamilyang nawalan ng tahanan dahil sa tumamang magnitude 6.9 na lindol sa Cebu.
Ayon sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), nai-turn over na sa local government unit ng San Remigio ng mga modular shelter units (MSUs) para sa mga biktima ng lindol.
DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling, alinsunod na rin ito ng Pangulong Bongbong Marcos Jr., na bigyan ng mas komportable at ligtas na masisilungan ang ating mga kababayan.
Una rito, nagpadala ang DHSUD ng 45 MSUs na ipinatayo na sa Bayanihan Village sa Barangay Poblacion, San Remigio.
Agad namang kumilos at nagtulung-tulong ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at sa loob lamang ng isang linggo ay nabuo na ang Bayanihan Village.
Pinapurihan ni Aliling ang pagsasabuhay ng “bayanihan” ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at pribadong sektor sa mabilis na pagkabuo ng San Remigio Bayanihan Village.
Kaagapay sa proyekto ng DHSUD ang DPWH na siyang nanguna sa land preparation, Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Coast Guard at Office of Civil Defense (OCD) na naging aktibo sa pagdadala at pagbubuo ng mga MSUs.
Ang DSWD naman ang mamamahala sa lugar katuwang ang LGU para mapanatili ang kaayusan sa lugar.









