Mga biktima ng Marawi Siege noong 2017, tutulungan ng iba’t ibang ahensiya para makahabol sa deadline ng pagkuha ng claims

Naglunsad ng libreng legal aid assistance ang Department of Justice para sa mga biktima ng Marawi Siege noong 2017.

Ayon kay Justice Usec. Margarita Gutierrez, layon ng Katarungan Caravan na matulungan ang mga Internally Displaced Persons sa pamamagitan ng paggawa ng affidavit para sa proof of ownership.

Iba’t ibang ahensiya ang katuwang ng kagawaran sa programa kabilang ang NBI at PNP para sa pagpoproseso ng mga clearance ng mga residenteng walang dokumento.


Layon din aniya nitong makahabol bago ang deadline ng filing ng claims sa susunod na buwan sa ilalim ng Marawi Siege Compensation Act of 2022.

Idinaraos ang programa sa Ground floor ng Sultanate’s Bldg. sa New Capitol Complex-Annex Compound, Buadi Sacayo, Marawi City ang mga residenteng mag-aavail ng mga nasabing serbisyo.

Facebook Comments