Kasunod ng inaasahang dagsa ng tao sa mga baybayin sa lalawigan ng Pangasinan , mariing ipinapaalala sa publiko ang pagiging maingat upang maiwasan ang anumang insidente ng pagkalunod.
Sa monitoring Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), inihayag ni Operations Head Vincent Chiu sa naganap na Pantongtongan Tayo ng PIA Pangasinan na kadalasang mga nalulunod ay nasa ilalim ng impluwensiya ng alak. Nakapagtala na ang tanggapan ng ilang drowning incidents sa nakalipas na mga buwan at isa ito sa dahilan.
Aniya rin na nagiging biktima rin ng insidente ay madalas mga bisita lamang sa lalawigan dahilan umano na baka hindi gaanong maalam ang mga ito pagdating sa current at lalim ng mga baybayin sa lalawigan.
Paalala ng tanggapan ngayong summer season, sumunod sa mga nakatakdang kautusan o mga swimming policies ng mga pupuntahang destinasyon upang makaiwas sa panganib.
Tiniyak ng hanay na mas pinaiigting ang paghahanda upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng publiko ngayong summer vacation, sa darating na Mahal na Araw at ang Pistay Dayat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨