Mga biktima ng pagpapasabog sa MSU, nakatanggap ng financial assistance mula sa gobyerno

Binigyan ng financial assistance ng pamahalaan ang biktima ng pambobomba sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City.

Batay sa ulat ng Presidential Communications Office (PCO), nakakuha ng ₱50,000 financial assistance ang mga pamilya ng mga nasawing indibidwal sa pagsabog.

Habang magsasagawa naman ng assesment ang pamahalaan para matukoy ang iba pang pangangailan ng mga naulilang biktima.


Nakatanggap naman ng ₱25,000 ang anim na nasugatan sa pagsabog na naka admit sa Amai Pakpak Medical Center.

Matatansaang una nang binigyan ng ₱5,000 na transportation assistance at ₱2,000 na medical assistance ang mga nasugatan.

Ang mga tulong na ito ay partikular na nagmula sa Office of the Presidential Adviser on Peace Reconcialiation and Unity, Bangsamoro government at mga lokal na pamahalaan.

Facebook Comments