Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na bago mag-12:00 mamayang hapon dadating na sa bansa ang 410 Overseas Filipinos Workers (OFWs) mula Lebanon.
Kabilang dito ang 20 OFWs na kasama sa mga nasugatan sa malakas na pagsabog sa Port of Beirut noong August 4, 2020 gayundin ang labi ng apat na nasawi sa trahedya.
Ang naturang Pinoy repatriates ay sakay ng chartered flight mula Rafic Hariri International Airport na umalis ng Beirut kanina bago maghatinggabi.
Isa pang flight ang inaayos ng DFA para naman sa iba pang distressed OFWS sa Lebanon.
Muli namang nanawagan ang DFA sa iba pang Pinoy sa Lebanon na nais nang umuwi ng Pilipinas na agad na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Beirut.
Facebook Comments