Mga Biktima ng Pamamaril sa Cauayan City, Isa Patay!

Cauayan City- Dead on the spot ang isang babai samantalang sugatan naman ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek kahapon, Marso 14, 2018 sa Brgy. San Luis, Cauayan City.

Kinilala ang mga Biktima na sina Bernadet Rumbaoa, Michael Sinuto at Billy Sinuto mga pawang nasa hustong gulang, at residente ng nasabing barangay.

Batay sa impormasyong natanggap ng RMN Cauayan News Team, Kasalukuyan umanong nag-iinuman ang dalawang lalaking biktima kasama si Vergel Sinuto ng akmang may humintong itim na sasakyan at bigla nalamang pinagbabaril ang mga ito.


Nagtamo ng tama sa iba’t-ibang bahagi ng katawan si Michael na agad namang naisugod sa pagamutan at nagtamo naman ng tama ng bala sa ulo si Bernadet na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Patuloy parin ang isinasagawang imbestigasyon at pagtukoy ng PNP Cauayan sa motibo ng pamamaril upang mapanagot ang mga hindi pa nakikilaang suspek at mahaharap sa kaukulang parusa.

Tags: Luzon, Cauayan City, Isabela, DWKD 98.5, RMN Cauayan, PNP Cauayan, PNP Cauayan Valley Cops.

Facebook Comments