Mga biktima ng paputok, umabot na sa 91 ilang araw bago ang New Year; kaso ng mga na-stroke, inatake sa puso at hika, patuloy na naitatala ng DOH

Pumalo na sa 91 ang kaso ng mga biktima ng paputok ilang araw bago ang pagsalubong sa 2026.

Sa datos ng Department of Health (DOH), pinakamarami rito ang naitala sa National Capital Region (NCR) na may 40 kaso, sinundan ng Ilocos Region na may 10 at walo sa Western Visayas.

Karamihan sa mga nabiktima ng paputok ay edad 10 hanggang 14 kung saan pangunahing dahilan nito ang 5-star, boga, kwitis, at Pla-pla.

Sa kabila nito, mas mababa pa rin daw ito ng 34% kumpara sa kaparehong panahon noong 2024.

Samantala, pumalo naman sa 331 ang mga nasangkot sa mga aksidente sa kalsada mula December 21 hanggang kahapon, December 27.

Sa datos naman ng non-communicable diseasez, 105 ang na-stroke, 42 ang inatake sa puso, at 21 ang inatake ng hika sa loob ng pitong araw.

Facebook Comments