Mga biktima ng pedophile na inaresto kamakailan sa UAE, posibleng hindi lamang 111 – DOJ

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na patuloy silang makikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at maging sa ibang bansa upang masugpo ang mga kriminal na sangkot sa Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC).

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, patunay rito ang pagkaka-aresto ng mga awtoridad sa Pinoy na kilalang pedophile na nagtago sa United Arab Emirates bago maaresto kamakailan.

Sabi ni Remulla, gagawin nila ang lahat upang masigurong mananagot sa batas ang mga pugante.


Nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act at Anti-OSAEC Act ang suspek na si Teddy Mojeca Mejia na nambiktima ng mahigit isandaang menor de edad sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa ngayon, tukoy na rin ng mga awtoridad ang iba pang dayuhang mga sangkot sa ganitong krimen.

Samantala, kinikilala naman ng DOJ ang dedikasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP) – Women and Children Protection Center at iba pang ahensiya na nagtrabaho upang maging matagumpay ang operasyon.

Facebook Comments