Suportado ng mga bilanggo ang liderato ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr., sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Batay sa manipestong nilagdaan ng mga Person Deprived of Liberty (PDL), mas nais nila ang makataong trato sa mga inmate ni Catapang at Bautista na kanilang naramdaman sa loob ng nakalipas na siyam na buwan.
Binigyan anila sila ng hanapbuhay, pagkakakitaan nito upang may maipadala sa kanilang mga pamilya at maihanda sila sa paglaya.
Suportado rin anila ang mga repormang pinaiiral ng pamunuan ng BuCor lalo na ang paglilinis sa mga tiwaling tauhan na ginagawang gatasan ang mga PDL.
Kaakibat naman ng manipesto, ang panawagan sa mga mambabatas na paglaanan ng pondo ang modernization program ng BuCor upang mapabuti ang kanilang kalagayan at malutas ang suliranin sa overcrowding sa Bilibid.