Aabot na sa higit 500 convicts na nakalaya dahil sa good Conduct Time Allowance (GCTA) ang sumuko sa awtoridad.
Sa datos mula sa Bureau of Corrections (BuCor), nasa 595 returning convicts na ang nasa kanilang kustodiya.
Sa tala naman ng PNP, nasa 432 na ang sumuko kung saan 139 ay convicted ng murder, 130 ay rape, 42 sa robbery with homicide, 29 sa homicide, 18 sa dangerous drugs, at 14 sa rape with homicide.
Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nakalayang preso na sumuko sa awtoridad sa loob ng 15 araw o kung hindi ay ituturing ang mga ito na pugante.
Facebook Comments