Mga bilanggong nakalaya dahil sa GCTA na hindi susuko pagkatapos ng Sept. 19, huhulihin na!

Magsisimula na ang pamahalaan sa Biyernes (Sept. 20) na magkasa ng Warrantless Arrest sa mga presong nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) na hindi sumuko sa itinakdang deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, ang mga hindi susuko pagkatapos ng September 19 ay pag-aarestuhin dahil sa ilalim ng umiiral na batas, kailangan nilang pagsilbihan ang kanilang sentensya.

Giit pa ng kalihim, maituturing na paglabag ang pagtangging sumuko dahil maituturing itong evasion of sentence.


Nitong September 4 ay binigyan ni Pangulong Duterte ng 15 araw ang 1,914 convicts na nakalaya bunsod ng GCTA na sumuko upang mabilang muli ang kanilang GCTA.

Facebook Comments