Mga billboards sa EDSA, pinagdiskitahan ng 2 senador

Pinapalinis nina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senator Francis Tolentino sa Metro Manila Development Authority o MMDA ang kahabaan ng EDSA mula sa naglalakihan at masakit sa matang mga billboards.

Sinabi ito nina Drilon at Tolentino sa deliberasyon ng Senado sa panukalang 2020 budget ng MMDA.

Ayon kay Drilon, nagmistulang billboard avenue na ang EDSA.


Dahil dito ay maghahain si Drilon ng panukalang batas na nagbabawal sa billboard sa loob ng 50 metro mula sa sentro ng EDSA para sa kaligtasan ng publiko.

Ipinunto naman ni Tolentino na matindi at kaliwa’t kanan ang billboards sa EDSA na hindi naman ginagawa sa ibang bansa sa Asya.

Umaasa si Tolentino na hindi man maresolba ang matinding pagsisikip ng trapiko sa EDSA, ay malilinis naman ito mula sa naglalakihang mga billboards.

Facebook Comments