Mga binahang lugar sa Cagayan, binisita ni VP Robredo ngayong araw

259

Dumating na ngayong araw sa Cagayan si Vice President Leni Robredo para tingnan ang sitwasyon sa mga binahang lugar sa probinsya.

Bitbit ng team ng Office of the Vice President ang mga relief goods para sa mga biktima ng bagyo.


Kabilang sa mga binisita ni Robredo ay ang mga evacuation center sa Barangay Linao at Annafunan sa Tuguegarao City.

Sunod na pupuntahan ng Bise Presidente ang Isabela.

Ngayong araw, nakatakda ring magtungo sa Cagayan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments