MGA BINAHANG PAARALAN SA ILOCOS REGION, HINDI NA HUMILING NG POSTPONEMENT SA MULING PAGBUBUKAS NG KLASE

Matapos ang nagdaang mga sakuna gaya na lamang ng mga Bagyong Egay at matinding pagbaha sa ilang mga paaralan sa Rehiyon Uno hindi na hiniling na ipagpaliban pa ang klase ng mga ito.
Dahil dito ilang mga paaralan ang nalubog din sa baha ang gayundin ang mga gamit gaya ng mga modules at libro na gagamitin sana ng mga mag-aaral.
Sa datos ng DepEd Region 1, as of August 8, 2023 nasa labing-siyam pa ring mga paaralan ang nananatiling lubog pa rin sa baha habang nasa apatnapung (40) mga paaralan pa ang ginamit bilang pansamantalang tuluyan o evacuation centers sa rehiyon.

Sinabi ni OIC Spokesperson/Public Affairs Unit Head DepEd Region 1 Joanna Sabado, na sa kabila ng mga nangyaring problema ay hindi naman magiging dahilan ito upang magkaroon pa ng postponement ng pagbubukas ng pasukan.
Sinabi pa nito na wala pang natatanggap ang kanilang tanggapan mula sa mga division office sa rehiyon kung may humiling ng pagpapaliban ng klase.
Ayon pa sa kanya, nagsasagawa na sila ng koordinasyon mula sa labing-apat ng mga schools division sa rehiyon upang matukoy ng ahensya ang mga tulong na dapat ibigay sa mga lubhang naapektuhan ng sakuna.
Samantala, dito sa Pangasinan, nasa 51 paaralan ang natukoy ng SDO Pangasinan 1 ang naapektuhan ng nagdaang sama ng panahon.
Dahil sa muling pagbubukas ng klase August 29, puspusan na rin sa paghahanda ang mga paaralan sa buong bansa para sa gaganaping Kick-Off ng Brigada Eskwela sa Agosto 14-26 ngayong taon.
#
Facebook Comments