Mga binahang residente ng Barangay Tatalon sa Quezon City, kinalampag ang LGU para relief assistance

Kinalampag ng mga binahang residente ng Barangay Tatalon sa Quezon City ang tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil wala pa umanong naibibigay sa kanila na agarang ayuda.

Binaha ang barangay Tatalon na epekto ng mga naranasang pag-ulan sa Metro Manila noong Sabado.

Ayon sa mga residente, wala pa silang natatanggap na tulong mula sa barangay at lokal na pamahalaan matapos ang pagbaha.


Kabilang sa kanilang agarang pangangailangan ay mga family food packs, hygiene kits, at bigas dahil nabaha din ang kanilang mga pagkain at gamit.

Tinatayang 100 pamilya sa iba’t ibang barangay sa Quezon City ang apektado ng pagbaha noong Sabado, ayon sa QC Disaster Risk Reduction and Management Office.

Facebook Comments