Pinayagan na ng Philippine Coast Guard (PCG) na makauwi sa kani- kanilang bahay ang mga pamilyang sinalanta ng malawakang pagbaha sa ilang lugar sa Negros Occidental.
Ito’y makaraang unti-unti nang bumaba ang tubig baha dulot ng malakas na pag-ulan nitong nagdaang ilang araw.
Sa ulat ng PCG, may 85 pamilya o katumbas ng 500 indibidwal na karamihan ay mga kabataan at kababaihan ang sapilitang inilikas mula sa Talisay City at Victorias City.
Bukod sa Negros Occidental, may pagbaha ring naranasan sa Barangay Jubasan at Barangay Sabang 2 sa Munisipalidad ng Allen sa Northern Samar.
Higit 30 pamilya ang inilikas ng PCG at lokal na pamahalaan doon.
Facebook Comments