Mga binaklas na campaign materials sa nakalipas na eleksyon ginawang bag ng mga pulis at ipinamigay sa 200 estudyante sa Carmen Agusan Del Norte

Nagkaroon ng libreng bag ang dalawang daang estudyante sa Brgy. Poblacion Carmen Agusan Del Norte.

 

Ipinamigay kaninang umaga (May 30) ng PNP Caraga Region ang ginawa nilang bags na yari sa mga campaign materials na kanilang naipon sa nakalipas na midterm election.

 

Ayon kay PNP Caraga Region Regional Director Police Brigadier General Gilbert Cruz na bukod sa mga libreng bag namigay rin sila ng iba pang school supplies tulad ng notebook, papel, at eraser sa kanilang ginawang community outreach program sa Brgy. Poblacion Carmen.


 

Sinabi ni Cruz na kitang kita nila ang ngiti ng mga batang estudyante habang tinatangap nila ang mga school supplies.

 

Maliban sa Brgy. Poblacion Carmen Agusan Del Norte mamimigay rin ng bag ang PNP Caraga sa mga estudyante sa  Butuan City sa June 3, 2019.

Facebook Comments