MGA BINAKLAS NA CAMPAIGN POSTERS SA ASINGAN, UMABOT SA HIGIT 400

Umabot sa higit apat na raan na campaign posters ang pinagbabaklas ng mga tauhan ng Commission on Elections Asingan na wala sa tamang lugar o dapat na pagpapaskilan sa mga ito.

Pinagbabaklas ang mga campaign materials ng senatorial aspirants at partylist na nakadikit sa mga poste. Kasama rin sa pagsasagawa nito ang hanay ng kapulisan, Department of Interior and Local Government (DILG) Asingan at Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO).

Patuloy ang pagpapaalala ng COMELEC na sa mga designated areas na lamang magdikit ang mga ito ng kanilang campaign materials bilang pagtalima sa mga ibinabang regulasyon ng komisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments