Mga binalasang matataas na opisyal ng PNP, mananatili muna sa pwesto hangga’t hindi pa abrubado ng NAPOLCOM at PBBM

Hindi muna ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang panibagong balasahan sa ilang matataas nilang opisyal.

Ito ang nilinaw ni PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo kung saan mananatili muna sa kanilang pwesto ang mga opisyal ng Pambansang Pulisya na una nang napaulat na napabilang sa ikinasang rigodon.

Ani Fajardo, inirerespeto nila ang pasya ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos.


Una na kasing sinabi ng kalihim na tanging rekomendasyon lamang ang balasahan sa PNP at hindi pa ito aprubado ng National Police Commission (NAPOLCOM) maging ni Pangulong Marcos Jr.

Nabatid na makakasama sa balasahan ay si NCRPO Chief PMGen. Edgar Alan Okubo at 7 iba pa.

Facebook Comments