Mga binanggit ni PBBM sa SONA, susuportahan ng Dalawang Kapulungan ng Kongreso

Ayon kay Senator Sonny Angara, makakaasa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Senado at Kamara para sa mga programa at plano na binanggit sa kanyang State of the Nation Address (SONA).

Para kay Angara, maganda at komprehensibo ang SONA ni Pangulong Marcos kung saan malinaw nitong nailatag ang kaniyang mga nais maisakatuparan sa susunud na mga buwan at taon.

Mahaba-haba man ang listahan ng ating pangulo ay sinabi ni Angara na ito’y susuportahan at pagkakaisahan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso.


Ayon kay Angara, pangunahin nilang isusulong ang mga plano ni PBBM para sa sektor ng agrikultura, kalusugan, turismo, enerhiya, imprastraktura, edukasyon at marami pang iba.

Buo ang pananalig at tiwala ni Angara sa mga kasamahan sa Kongreso na tutulong ito para makamit ang hiling ni Pangulong Marcos na mataas na pamantayan ng pagseserbisyo sa mamamayan at sa bayan.

Facebook Comments