Mga binebentang ibon, binili ng isang lalaki at sabay-sabay pinakawalan

Captured screenshot from Jerrymir Himor video on Facebook

Naging superhero for a day ang isang lalaki mula sa Bulacan matapos niyang bilhin ang mga tinitindang ibon na nakukulong at sabay-sabay niyang pinakawalan.

Ang life saver ng mga ibon, kinilalang si Ruben Mendoza, residente ng San Rafael sa naturang lalawigan.

Sa kuhang bidyo ni Jerrymir Himor, makikitang pinakywan ni Mendoza ang mga binebentang ibon ng isang babaeng sidewalk vendor.


Kapansin-pansin din na kinulayan ang mga kaawa-awang hayop at nakalagay sa masikip at maliit na kulungan.

Nang mabayaran, pinalaya ito ng tinaguriang tagapagligtas.

Sa ilalim ng Wildlife Resources Conservation and Protection Act, bawal itinda at ikulong ang mga ibon.

Facebook Comments