Mga biniling body cameras ng PNP, gagamitin na ng mga pulis sa susunod na buwan

Simula sa susunod na buwan ay magagamit na ng mga pulis ang biniling 2,686 body cameras units na nagkakahalaga ng P289 milyong.

Ayon kay Major General Angelito Casimiro, Philippine National Police (PNP) Director for Logistics, unang makakagamit ng mga biniling body cameras ang police officers sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Aniya, sa ngayon ay isinasagawa ang configuration sa body cameras na nasa 65 percent na at inaasahang matatapos ito hanggang katapusan ng buwan.


Nahihirapan naman ang PNP sa configuration ng mga body cameras na ide-deliver sa lalawigan ng Sulu, Basilan at Tawi-Tawi dahil sa connectivity issues.

Sa pagdinig ng Senado nitong nakalipas ang Martes, kwinestyon ni dating PNP Chief General at ngayo’y Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang PNP dahil sa mabagal na delivery ng body cameras na aniya’y mahalaga sa pagsasagawa ng anti-drug operations.

Matatandaang taong 2017 nang magdesisyon ang PNP na bumili ng body cameras dahil sa alegasyong pinapatay ng mga pulis ang mga drug suspek kahit hindi naman nanlaban.

Facebook Comments