Mga bumisita sa Heritage Park sa Taguig, abot na sa 18,0000

Aabot na sa 18,000 ang mga pumapasok sa Heritage Park sa Taguig, ang Premier Memorial Services Provider.

Ayon kay Ferdinand Aniban, head ng security provider, NASA 12,000 na ang pribadong sasakyan na nakapasok na sa nabanggit na himlayan.

Nag-tayo ng mga tent at nag-palipas na ng magdamag mga bumisita sa kanilang namayapa mahal sa buhay.


Todo higpit naman ang pag-babantay ng mga pulis at mga force multiplier sa seguridad sa lugar.

Ani Aban, nanatiling mapayapa at organisado ang paggunita sa kanilang mga namayapa na nakahimlay dito.

Kabilang sa mga labing nakahimlay sa Heritage Park ay mga kilalang tao sa lipunan tulad nina Anti-Crime Crusader Lauro Vizconde, Comedy King Dolphy at dating Senate President Nene Pimentel.

Ang Heritage Park ay may lawak na 67 hectares.

Naka standby sa Heritage Park ang isang ambulansiya at fire truck.

 

Facebook Comments