Mga bisita sa Everest Hills Memorial Park sa Muntinlupa City, unti-unti na namang bumubuhos

Unti-unti na namang bumubuhos ang mga bisita sa Everest Hills Memorial Park sa Muntinlupa City.

Kanya-kanya na ring set-up ng tent ang ating mga kababayan lalo na ang mag-o-overnight.

Ngayon kasi ang huling araw ng pag-overnight dito sa loob ng park.


Ilan sa mga bisitang pumasok dito ngayong araw ay hindi sumabay sa dagsa ng mga tao kahapon.

Habang ang iba naman ay bumabalik ngayong araw para muling makapiling ang mga nakahimlay na mahal sa buhay at para samantalahin ang long weekend para sa family reunion.

Isa ring misa ang idinaos kaninang alas-4 ng hapon bilang alay sa mga nakahimlay dito.

Facebook Comments