Umabot na sa mahigit apat na trilyong pisong processed investment ang nalikom ng pamahalan, mula sa mga biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ibang bansa.
Batay ito sa ulat ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Malacañang.
Sa datos ng DTI as of December 21, 2023, ang kanilang monitoring sa mga consolidated at processed investment, aabot na ito sa apat na trilyong piso mula sa 148 na mga proyektong gagawin sa Pilipinas.
Inilarawan ng DTI ang mga investment na ito na mga negosyo, ito ay ang investment promotion agency o IPA registered with operations na nagkakahalaga ng 11.4 bilyong piso.
Business/IPA registered na may halagang 54.75 bilyong piso.
IPA registration in-progress operations na may halagang 282.8 bilyong piso.
Signed agreement with clear financial project value na 544.152 bilyong piso.
Signed memorandum of understanding (MOU) o letter of intent (LOI) na nagkakahalaga ng 1.588 trilyong piso.
At confirmed investment na hindi sakop ng MOUs o LOIs pero nasa planning stage na nagkakahalaga ng 1.522 trilyong piso.
Sa ulat pa ng DTI sa Malacañang, sinabing may 20 proyekto pa silang mino-monitor na greenlighted at registered sa IPAs, DTI, Board of Investments (BOI) at Philippine Economic Zone Authority (PEZA).
Ang mga investments, ay magiging pipeline para sa mas maraming sektor gaya nang manufacturing, IT-BPM, renewable energy, data centers at telecommunications.
Ayon pa sa DTI, na sa nakalipas na biyahe ng pangulo sa Japan may karagdagang 14 bilyong pisong total value na nakuha mula sa siyam na investments.