Mga biyahe ng barko sa Visayas at Mindanao, kanselado dahil sa Bagyong Kabayan

Dahil sa paghagupit ng Bagyong Kabayan, ilang biyahe ng barko ang kinansela ngayong araw.

Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), ang mga apektadong mga pantalan ay ang mga sumusunod:

PMO Masbate
PMO Negros Occidental Banago Bredco Port, Bacolod City
PMO Negros Oriental/Siquijor
PMO Western Leyte/Biliran
PMO Bohol
PMO Surigao
PMO Misamis Oriental/Cagayan de Oro
PMO Misamis Occidental/Ozamiz


Umabot na rin sa 626 ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga nasabing pantalan.

Pinayuhan naman ng PPA ang lahat ng apektadong pasahero na makipag-ugnayan muna sa concerned shipping lines para maiwasan ang abala.

Facebook Comments