Mga biyahe sa Bicol region, sinuspinde ng LTFRB dahil sa epekto ng bagyong Pepito

Simula sa araw na ito, sinuspinde muna ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang lahat ng land travel patungong Visayas at Mindanao.

Partikular ito sa mga dadaan ng Matnog Port at sa ibang lugar sa Bicol Region na maapektuhan ng bagyong Pepito.

Ang desisyon ng LTFRB ay kasunod ng rekomendasyon ng Office of Civil Defense Regional Office V (OCDRO V) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) .


Ito ay upang maiwasan ang buildup ng mga mga stranded na motorista sa Maharlika Highway at ibang major roads sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.

Facebook Comments